April 16, 2008...4:58 am

NBDB Book Club. Pangasinan: Kultura at Panulaan

Jump to Comments

Inihahandog ng NBDB Book Club, Linangan sa Imahe, Retorika, at Anyo (LIRA), at ng Ortigas Foundation Library ang “Pangasinan: Kultura at Panulaan,” tampok ang Malagilion: sonnets tan villanelles ni Santiago Villafania.
Ang panayam ay gaganapin sa 26 Abril 2008, ika-10 ng umaga, sa Ortigas Foundation Library, 2/F Ortigas Building, Meralco cor. Ortigas Avenues, Pasig.
Tampok bilang mga pangunahing tagapagsalita sina Dr. Crisanta Nelmida-Flores ng Unibersidad ng Pilipinas at Santiago Villafania. Si Dr. Villafania ay dalubhasa sa kultura ng Pangasinan at kasalukuyang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Si Sonny Villafania, ang awtor ng tampok na aklat ang pangunahing tagapagtaguyod ng panitikan at panulaan ng Pangasinan. Ang Maligilion ay ang kanyang ikalawang koleksiyon ng mga tula.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa NBDB Secretariat sa 926-8238.

Leave a Reply